สรุปเนื้อหาตอนนี้
Ibinahagi ng letter sender na nagsinungaling siya para makapag-inuman kasama ang mga kaibigan. Pero sa gabing iyon, napalapit siya sa isang lalaki—isang katrabaho na matagal na niyang hinahangaan. Dahil sa kalasingan, nauwi sila sa iisang kama. Ngayon, nahaharap siya sa isang malaking tanong: aamin ba siya sa boyfriend o itatago ang gabing pilit niyang kinakalimutan? Ito ang secret file ni Sky.
Ibinahagi ng letter sender na nagsinungaling siya para makapag-inuman kasama ang mga kaibigan. Pero sa gabing iyon, napalapit siya sa isang lalaki—isang katrabaho na matagal na niyang hinahangaan. Dahil sa kalasingan, nauwi sila sa iisang kama. Ngayon, nahaharap siya sa isang malaking tanong: aamin ba siya sa boyfriend o itatago ang gabing pilit niyang kinakalimutan? Ito ang secret file ni Sky.
ตอนต่าง ๆ
Tinago ko sa Boyfriend ko ang gabing iyon
ฟังแล้วIbinahagi ng letter sender na nagsinungaling siya para makapag-inuman kasama ang mga kaibigan. Pero sa gabing iyon, napalapit siya sa isang lalaki—isang katrabaho na matagal na niyang hinahangaan. Dahil sa kalasingan, nauwi sila sa iisang kama. Ngayon, nahaharap siya sa isang malaking tanong: aamin ba siya sa boyfriend o itatago ang gabing pilit niyang kinakalimutan? Ito ang secret file ni Sky.
Impyerno ang ipinaranas sa‘kin ng taong ipinagdasal ko
ฟังแล้วAkala ng letter sender na sa wakas dumating na ang lalaking matagal niyang ipinagdasal. Minahal niya ito, pinili kahit may mga babala ang pamilya, at bumuo sila ng sariling pamilya. Pero habang tumatagal ang kanilang pagsasama, ang lalaking minsang nagparamdam sa kanya ng pagmamahal ay siya ring naging dahilan ng paulit-ulit niyang pagluha at pagdurusa. Sa kabila ng dalawang anak at mga pangarap na gusto pa niyang buuin, ngayon ay nahaharap siya sa pinakamahirap na tanong: mananatili ba siya para sa pamilya, o pipiliin naman niya ang sarili niyang kaligayahan? Ito ang secret file ni Liz.
Lasing lang sana, pero...
ฟังแล้วIsang masayang inuman sana kasama ang barkada ang nauwi sa isang nakakagulat na kalokohan. Habang lasing si ang letter sender, pinainom siya ng kaibigan niya ng isang basong hindi niya alam ang laman. Nang malaman niya ang totoo, nagulat siya pero nauwi rin sa tawanan ang lahat. Para sa kanila, barkada trip lang iyon—pero aminado silang hindi ito dapat gayahin dahil delikado at sobra na ang ginawa nila. Ito ang secret file ni Len-Len.
Mahirap ako, pero hindi ako gold digger
ฟังแล้วSa kabila ng wagas na pagmamahalan ni sender at ng kaniyang partner, naging hadlang ang pagtutol ng pamilya nito dahil sa agwat ng kanilang estado sa buhay. Nasaktan siya nang malaman niyang niloko siya ng partner at tuluyan niyang binitiwan ang kanilang relasyon. Ngunit ang hindi alam ng partner niya, may anak silang bunga ng kanilang pagmamahalan—isang lihim na apat na taon niyang itinatago habang nagsisikap bumuo ng sariling buhay sa ibang bansa. Ito ang secret file ni Aya.
May pagnanasa sa‘kin ang Boyfriend ng Mama ko
ฟังแล้วIbinahagi ng sender ang kanyang kwento tungkol sa jowa ng kanyang nanay na may pagtingin din sakanya at palagi siya nitong pinagmamasdan sa tuwing dadalaw ito sa palengke. Ito ang secret file ni ISAY.